[ Pdf Sa Aking Panahon ☆ unfinished PDF ] by Edgardo M. Reyes ☆ myportal.pro

[ Pdf Sa Aking Panahon ☆ unfinished PDF ] by Edgardo M. Reyes ☆ the story of isang balutang pansit hay it made me cry.
.
Ano bang inaasahan niyo sa manunulat na to Sa madulas na paglalahad ng kwento t pagiging maestro sa paglaro ng salita, napatunayan niya sa librong to at sa lahat ng gawa niya kung gaano kalaki ang naiambag niya sa panitikan ng Pilipnas Sa mga kwento sa likod ng mga akda niya, naroon din ang natural na daloy ng salita na talagang talento niya Walang sinasayang na salita si EMR Kung may pagkakataon, sana y nakagawa pa siya ng mga akda gaya nito Pero ang mga gawa niya y mananatiling kumikinang at kikilalanin sa paglipas ng panahon pero gusto ko talagang malaman kung anong meron sa pagitan ni EMR at Ricky Lee, hehehe Inalalahad rito ang karanasan at buhay ni sir Edgardo M Reyes bilang manunulat sa simula ng bawat kuwento 13 piling katha Simula nang kung paano siya napasok sa Liwayway hanggang sa umalis Pati ang istorya ng Sa mga Kuko ng Liwanag ay nandito rin, kung paanong na rejected on 27 counts.
Nandito rin ang maikling kuwento na ikinapanalo ni Sir Edgardo sa Palanca.
Ang kuwentong Si Ama ay ang pinakanagustuhan ko.
Naaalala ko pa na nagpabasa ang Ina ko sa akin ng kuwento para makatulog siya tanghali Binasahan ko siya ng unang kuwento sa libro na Unang Patak ng Luha , naku halos maluha luha si Ina pagtapos ko basahin sa kaniya Sabi niya, Nako, Paolo, wag mo na akong babasahan ng kuwento kung ganyan lang, naiiyak lang ako Hindi na nakatulog si Ina, nagpunas na lang ng kauntin Isa sa mga nakakapanabik sa librong ito ay ang paglalahad ng awtor sa kanyang buhay bago ang pagsisimula ng kanyang kwento Ilan sa mga kwentong nakapaloob dito ay nag iwan ng marka sa aking isipan Si Ama, Kung Saan Tubo at Ang Gilingang Bato Ito y kwentong tungkol sa pagsusumikap ng mga magulang para sa ikauunlad ng anak at kung ano ang naging buhay ng kanilang mga anak.
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman ako binigo ng akda ni Edgardo M Reyes Maiintindihan ko kung bakit tumataginting na limang bituin ang naging rating ko sa unang libro niya na nabasa ko, ang Sa Mga Kuko ng Liwanag Dahil una, isa sa pinakapaborito kong klasikong pelikulang Pilipino ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag, at pangalawa, dahil kahit hindi ko pa nabibili ang librong iyon noon ay nakikinita ko nang mataas ang magiging rating nito na nagkatotoo nga.
Ang totoo, wala akong ibang inaasahan sa librong ito na mga koleksyon ng maiikling kuwento ni Edgardo M Reyes Gusto ko lang talagang masubukan pa ang kanyang mga akda Hindi ko inaakalang magiging isang pambihirang karanasan ang pagbabasa ng kanyang maiikling kuwento Ang pakiramdam na kumakain ka ng masar



Hindi lang ito antolohiya ng maiikling kwento, kundi maging ng sanaysay dahil kada maikling kwento ay may mahaba habang intro ang author para bigyang konteksto at balik tanawin ang panahon na sinulat niya ang kwento Dahil doon, marapat ding tawagin itong memoir Maganda ang bawat kwento Subtlety ang isa sa pinaka talent ni Edgardo Reyes sa pagsusulat Laging subtle, lalo na ang ending, ng kanyang mga kwento At sa anumang art, major element ang subtlety Minsan nga lang eh sa sobrang subtle, hindi na ma gets Para kay Reyes, ang lead at ending paragraph ang pinakamahalagang parte ng kwento Ang lead daw kasi ang nagtatakda ng mood ng kwento At sa ending naman, hindi man daw maisasalba ng magandang ending ang isang pangit na kwento, paniguradong sisirain naman daw ng pangit na ending ang isang magandang kwento At tama siya ro n Napakaraming nobela ang nabasa kong nagpapatunay sa teorya niyang it s great isang balutang pansit Sa loob lamang ng 15 taon 1959 1973 , ayon kay Edgardo M Reyes sa paunang salita, ay nakapagsulat sya ng humigit kumulang 300 istorya Ang 14 na naririto sa koleksyon ng Sa Aking Panahon ay di nya tinuturing na gintong ani Ngunit parang ganun na nga sapagkat may pangkalahatang motibo ang pagkakapili ng mga istorya sa aklat na ito Ang bawat isa ay nagpapaalaala sa kanya ng isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay O di kaya nama y pumapaksa ng kanyang pag unlad bilang baguhang manunulat ng kwento hanggang sa isang ganap na kinikilalang nobelista.
May kanya kanyang awtobiograpikal na introduksyon ang mga napiling istorya, kung kaya parang 2 in 1 ang kinalabasan Bukod sa mga kuwentong talaga namang mataas ang antas sa letrang Filipino, mababasa rin ang kwento ng pag usbong ng isang manunulat mula sa kanyang pinagmulan hanggang sa pag Labintatlong Istorya Sa Sakop Ng Taon Pinili Nang May Pagbibigay Ng Higit Na Halaga Sa Isang Seleksiyon Na Mas Mabisang Makapagbibigay Kulay At Buhay Sa Kapahayagan Ng Isang Tema Ang Pakikipagbuno Ng Awtor Sa Isang Demonyong Kung Tawagi Y Literatura Sa Isang Haba Ng Panahong Sumasakop Sa Pagbibinhi, Pag Uugat, At Pagsusupling Hanggang Sa Makapamulaklak Ng Yabang At Makapamunga Ng Sungay Ang Mga Araw Ng Pagsisimula Sa Pangangapa Ang Mga Araw Ng Pagsisikap Na Matuto At Mahasa Ang Mga Pagbabago Habang Nahihinog Mula Sa Pamamaraan At Dampot Ng Mga Salita Hanggang Sa Hugot Ng Paksain At Kapangahasang Manggiba Sa Balag Ng Tradisyon Mula Sa Paunang Salita

Edgardo M Reyes is a Filipino male novelist His literature first appeared in the Tagalog magazine, Liwayway His novels include Laro sa Baga, and Sa mga Kuko ng Liwanag He is also the one of the authors of the critically acclaimed anthology.